Wednesday, September 25, 2019
WIKA, KOMUNIKASYON, AT WIKANG PAMBANSA
WIKA ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao. Malaki ang tunhkulin ng wika sa pakikipag-unawaan at pakikisalamuha ng tao sa kaniyang tahanan, paaralan, pamayanan, at lipunan. Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na inuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981). Ayon naman kay Henry Gleason (1988), ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang artibitaryo upang magamit ng mga taong kabilang s isang kultura. Sa lingguwistikong paliwanag, tinatawag na wika ang sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon
ANG WIKA, BILINGGUWALISMO, AT MULTILINGUWALISMO SA KONTEKSTONG PILIPINO Wikang Ingles na wikang dinala ng mga Amerikano (1901), Mongguwalismong Ingles. Unang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog1) pinangalang wikang pambansa (1935), Unang Bilingguwalismo . Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog2) ginawang isang pang-akademikng asignatura (1940), Ikalawang Bilingguwalismo. Ang Unang Yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino1) pinalitan ang wikang "Tagalog" sa "Pilipino" (1959), Unang Multilingguwalismo. Ang ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino(Pilipino2) bilang wikang opisyal at wikang pang-akademiko ngunit tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa (1973), Ikatlong Bilingguwalismo. Ang Unang Yugto ng Wikang Filipino (Filipino1) artipisyal na wika, balak buuin ng konstitusyon at papalit sa wikang "Pilipino" (1973), Ikalawang Multilingguwalismo. Ang Ikatlong Yugto ng Wikang Filipino (Filipino2) muling kinilala bilang wikang pambansa, "Filipino" (1987), Ikatlong Multilingguwalismo.
Lingguwistikong Komunidad "homogenous" maliit ang saklaw, ang dahilan uoang makapag -ugnayan ang bawat isa. Mga salik: " May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba", " Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito" at " May kaisahan sa pagpapahalaga at palagau hinggil sa gamit ng wika". Halimbawa: Sektor, Grupong pormal, Grupong impormal at Yunit. Multikultural na komunidad "heterogenous" malaki ang saklaw, pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. Halimbawa nito ay Internasyonal, Rehiyonal,Pambansa at Organisasyonal. Mga uri ng wika: Sosyolek hal: "jejemon", Idyolek espesipikong paraan ng pagsasalita hal: Kris Aquino, Diyalekto nagbabago-bago depende sa pook sa lugar at Rehistro wika sa piling larangan hal: "Order" "P. T".
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Panahon ng Katutubo, "Baybayin" , paraan ng pagsulat; 17 simbolo, 14 katinig, 3 patinig (Doctrina Christiana). Panahon ng Koloniyalismong Espanyol, paggamit ng wikang kastila at paggamit ng ABAKADANG Tagalog. Panahon ng Rebolusyon, matinding damdaming nasyonalismo at panahon ng himagsikan. Panahon ng mga Amerikano, Almirante Dewey at mga gurong sundalo na tinatawag na "Thomasites". Panahon ng Pamahalaang Komonwelt, nagtatakda ng kikilaning eikang Pambansa( Ingles at Kastila). Ikalawang Digmaang Pandaigdig, panahon ng mga hapon (Tagalog at Hapon). Sa pagbabalik ng mga Amerikano, Batas Komonwelt, Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, Saligang Batas 1973, Artikulo XIV, Seksiyon 3, Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 at Konstitusyong 1987, Artikulo XlV Seksiyon 6. Dekada 90, komisyong ng wikang Filipino at pinahaba ang pagdiriwang ng wikang pambansa (linggo-buwan). Panghuli, Internet at Globalisasyon, paglagganao ng wikang Filipino, Multilingguwal Language Education at paggamit ng Mother Tongue Based - Mulitilingguwal(MTB-MLE).
MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
Bilang Instrumento ito ay pagppahayag ng damdamin, direktang pag-uutos, panghihikayat at pagtuturo at pagkatuto. Bigkas-pagganap o tinatawag na "speech act". May tatlong kategorya: Lokusyunaro, Ilokusyunaryo at Perlukusyonaryo. Regulatoryo ito ay batas o kautusan ng may taong kapangyarihan at nagbibigay bisa sa batas. Ang tatlonh klasipikasyon ng wika ayon sa regulatoryo ay mge: Berbal, Nasusulat, nakalimbag at biswal at Di- nasusulat na tradisyon. Halimbawa nito ay Saligang Batas, Batas ng Republika, Ordinansa, Polisya, Patakaran at Regulasyon. Interaksiyonal na wika na ang tungkulin ay tulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo nh sosyal na relasyon. Mga halimbawa ng interaksiyon sa internet ay, (Dalawahan) E- mail, Instant Message, (Grupo) Group Chat, Forum, (Maramihan) Sociosite, Online Store. Personal mula sa salitang personalidad. Mayroong apat na dimensiyon ang ating personalidad: Panlabas laban sa Panloob, Pandama laban sa Sapantaha, Pag-iisip laban sa Damdamin at Paghuhusga laban sa Pag- unawa. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita—sanay at pagsalaysay. Malikhaing Sanaysay ay naglalaman ng sariling pananaw ng may-akda at nasa puntodebista ng manunulat. Halimbawa: Biograpiya, Awtobiograpiya, Alaala, Sanaysay o tala ng paglalakbay, Personal na sanaysay at Blog. Bahagi ng sanaysay— panimula, katawan at wakas. Mga paala sa pagsusulat ng masining na Sanaysay— pumili ng paksang may dating sa babasa, gumawa ng balangkas, gumamit ng mga salitang akma sa paksa at sa inaasahang babasa, tiyaking tama ang gramatika, gamitin ang sariling materyal o kaya'y magsaliksik at magbigay ng kakaibang pananaw at malikhaing bisyon. Imahinatonh wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at pag-aliw. Mga anyo ng panitikan: Pantasya, Mito, Alamat, Kuwentong-bayan, Siyensiyang Piksiyon. Heuristiko at Representatibo— Hueristiko, tanong at sagot, pag-iimbestiga at pageeksperimento kung tama o mali. Representatibo, pagpapaliwanag ng datos o impormasyon. Ayon ky Benjamin Bloom, bukod sa kognitibo, kailangan din ang kakayahang pandamdam/pandamdamin at pampisikal, kagunay dito may apat na yugto tungo sa magunaying pag-iisip— Paggamit ng Sintido-kumon, Lohikal na pag-iisip (3 uri) Lohika ayon sa Pangangatwiran o Argumento, Lohika ayon sa Pagkakasunod-sunod at Lohika ayon sa Analysis (may 2 anyo) Hinuhang Pangkalahatan at Hinuhang Pambatayan, Kritikal na Pag-iisip— masusing pagtukog sa kaligiran ng suliranin, pagsusuri, pag uuri, at pagpuna at paglalatag ng alternatibo, Maugnaying Pag-iisip (hal;) Repeleksiyon, Kritika, Interpretasyon, Pananaliksik na Multidisiplinaryo at Pananalisik na interdisiplinaryo.
Ang Power Point Presentation (PPT) ay isang paraan ng paglalahad ng impormasyon. Mga Pananda Para sa Kohesyong Gramatika, mahalagang matutunan ang tamang paggamit ng panandang at upang magkaroon ng kohesiyon o kaisahan anh paglalahad. Anapora nauuna ang pangngalan kaysa sa panghalip hal; Si Joyce ang nangunguna sa klase dahil siya ay nag aaral ng mabuti. Katapora nauuna ang panghalip kaysa sa pangngalan hal; Diyan nahulog ang kapatid ni Jojo na si Popoy. Pangatnig, maging suwabe, madulas at magkaugnay ang mga ideya. (at, ngunit, subalit, kung, kaya, pero, o kapag/pag, dahil sa, sapagkat) hal; Si Maria ay babagsak sa pag aaral kung hindi siya magpupursigi. Panandang, bigyang-diin, linawin, at pukawin ang atensiyon ng mambabasa o tagapakinig. Pagkakasunod- sunod(Una, Ikalawa, Ikatlo...Sa pagpatuloy, Sa wakas atbp., Paghahambing (katulad ng, kasing, Mas, Lubos na atbp.) Pagkakaiba( Sa isang banda, Di tulad ng, Sa kabaligtaran atbp.) Pagdidiin(Uulitin ko, Nais kulong linawin, Makinig kang mabuti atbp.) Daloy ng Panahon(Ngayon, Kahapon, Bukas, Kalaunan atbp.) Pagwawakas (Sa wakas, Bilang wakas, Sa pagtatapos atbp.)
WIKANG FILIPINO AT MASS MEDIA Pangmasang media, pangmadlang media, o mass media- pinakamaimpluwensiyal at masasabi ang pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan. Media ay isang institusyong oanlipunan tulad ng pamilya, paaralan, simbahan, at pamahalaan na ang natatanging tungkulin ay maging tagapagbantay, tagamasid, taga-ulat ng mga pangyayari sa lipunan, maging tinig ng mamamayan, at tagapaghatud ng mensahe sa kinauukulan. Ikaapat na Estado kasunod ng tatlong sangay ng pamahalaan. Ang unang gumamit nito ay si Thomas Carlyle (1841). Kumikita ito sa tulong ng patalastas. Nagbabayad ang mga kompanyang iti uoang isingit ang internet blog at website, at programang pantelebisyon at panradyo. Ang radyo ay tinatawag na Mass Media ng masa noong 1960 dahil ito ang pinakamalawak at may pinakamaraming naabot na mamamayan dahik sa higit 600 ang mga estasyon sa radyo. Pinakamura itong kasangkapan sa bahay kaysa telebisyon. Umandar lamang ito sa pamamagitan ng baterya na tipikal na paraan sa mga baryo o lugar na hindi pa naabot ng elektrisidad. Ang panonood ang ikalimang kasanayang pangwika. Mga uri ng palabas—Tanghalan, Pelikula, Telebisyon at Youtube.
WIKANG FILIPINO, INTERNET, AT SOCIAL MEDIA
Internet ay mula sa dalawang pinagsamang slita na inter at networkinh na batay sa pakahulugan ng THE FREE DICTIONARY.COM(2015) kilala rin bilanh malawakang dalayunan ng impromasyon. Ito ang pinakamalakinh aklatan ngayon. Binabago nito ang pamamaraan ng pagtuturo. Sa tulong ng Integrated Virtual Learning Environment (IVLE) ma gawa sa Singapore o gamit ang bago ngayong Sakai Collaboration & Learning Environment o kaya'y Google Classroom. Blog ay galing sa dalawang salita, web at log. Blogger ang tawag s tao o grupong nangangalaga, nagpapatakbo, at nagsimulang isang blog. Ang mga blog post ng isang blogger ay nakaayos mula lumang post hanggang bago. Blogosphere ang tawag sa kumonidad o mundo ng mga blogger. Mga uri ng Blog— Fashion Blog, Personal Blog, News Blog, Humor Blog, Photo Blog, Food Blog, Vlog , at Educational Blog. Ang Facebook ay hindi nakapagtataka na ang pinakapopular na social networking site sa Pilipinas ngayon. Idinisenyo ito ni Mark Zuckerbeg na isang mag aaral sa Harvard University kasama ng kaniyang dalawang kaibigan noong 2004. Sa pag aaral na isinagawa ni Selwyn (2009) ay napatunayan na malaki ang tungkulin ng Feacbook lalo na sa mga estudyante ngayon na natutugunan ang pangangailangan ng kanilang pag-aaral kasama ang pakikipag-ugnayan sa mga guro. Natuklasan naman sa pag-aaral ni Kosik (2007) ang Facebook ay kalimitang ginagamit ng mga estudyante sa pakikipag-ugnayan sa kapwa estudyante o kamag-aral madali nilang mapag-usapan ang mga kurso gaya ng proyekto at iba pa. Batay naman ky Duboff (2007) sa pamamagitan nito ay nararamdaman ng estudyante at guro na kabilang sila sa isang akademikong komunidad. Nararapat pa ring tandaan na ang lahat ng sobra ay masama at kung hindi talaga mapigilan au turuan lamang ang sarili na maayos na mapagsabay-sabay ang iba't-ibang gawain sa iisang pagkakataon, tukalasan ni Munoz (2010)
Subscribe to:
Posts (Atom)
WIKA, KOMUNIKASYON, AT WIKANG PAMBANSA WIKA ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao. Malaki ang t...
-
WIKA, KOMUNIKASYON, AT WIKANG PAMBANSA WIKA ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao. Malaki ang t...